DOJ, kinumpirmang epektibo na bukas ang Anti-Terror Law

227

Kinumpirma ng Department of Justice (DOJ) na simula bukas, July 18, 2020, epektibo na ang Republic Act 11479 o ang Anti-Terrorism Act of 2020.

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, base sa effectivity clause ng naturang batas na 15-araw ang bibilangin matapos ang paglalathala nito sa Official Gazette o sa dalawang pahayagan na mayroong general circulation.


Ginawa ng kalihim ang paglilinaw para itama ang nauna nilang pahayag na sa Lingo o sa July 19, 2020 pa dapat magiging epektibo ang nasabing batas.

Humingi na rin ng paumanhin ang Kalihim sa naging kalituhan sa petsa ng pagpapatupad nito.

Sa ngayon, pending pa rin sa Korte Suprema ang siyam na petisyon na kumukwestyon sa legalidad ng nasabing batas.

Facebook Comments