DOJ, kinumpirmang iniimbestigahan na ng NBI ang lalaking nagpakilalang NBI at nanakot ng motorista

115

Kinumpirma ni Department of Justice (DOJ) Sec. Menardo Guevarra na iniimbestigahan na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang lalaking nagpakilalang taga-NBI at nanakot ng motorista kasabay ng pagbunot ng kanyang baril.

Ayon kay Sec. Guevarra, partikular na may hawak ng imbestigasyon ang NBI Internal Affairs and Intelligence Service.

Agad din aniyang magsusumite sa kanya ng report ang NBI sa sandaling matapos ang imbestigasyon nito.


Nakunan mismo ng video ng motorista ang pagsugod sa kanya at pagbunot ng baril ng nagpakilalang taga-NBI.

Nagpakita naman ng ID mula sa Office of the President ang motorista.

Facebook Comments