DOJ, kumikilos na rin para sa extradition ni Dalia Guerrero Pastor na mastermind sa pagpatay sa asawang race car champion

Nakikipag-ugnayan na rin ang Department of Justice (DOJ) sa mga awtoridad mula sa mga bansang hinihinalang pinagtataguan ni Dalia Guerrero Pastor.

Si Dalia ang sinasabing isa sa mga mastermind sa pagpagpatay sa kanyang asawang si race car champion Ferdinand “Enzo” Pastor.

Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin “Boying” C. Remulla, batay sa nakalap nilang impormasyon posibleng sa Indonesia o Malaysia nagtatago si Dalia.


Una nang binaliktad ng Supreme Court (SC) ang desisyon ng Court of Appeals (CA) na nagbabasura sa kasong parricide laban kay Dalia.

Sabit din sa kaso sina Police Officer II Edgar Angel, bilang gunman, habang lumalabas na masterminds sina Domingo De Guzman III at Dalia.

Isa sa mga kasambahay ng mag-asawang Enzo at Dalia ang tumestigo at sinabing may relasyon sina De Guzman at Dalia.

Taong 2014, habang nagmamaneho ng truck si Enzo kasama ang kanyang mekaniko na si Paolo Salazar nang barilin ito at napatay sa intersection ng Visayas Avenue at Congressional Avenue sa Quezon City.

Facebook Comments