DOJ, kumpiyansa sa naging hakbang ng mga prosecutors sa kaso laban kay De Lima

Tiwala si Justice Sec. Jesus Crispin Remulla na nagawa ng kanyang mga tauhan ang trabaho nito para madiin si dating Sen. Leila de Lima sa kasong illegal drugs na kinakaharap nito.

Ayon kay Remulla, nagawa ng public prosecutors ang kanilang assignment para maihain sa korte ang mga ebedensya.

Maging ang mga testigo laban sa dating senador ay naging maayos ang pag-presenta ng mga prosecutors.


Kaugnay nito, nagpaabot ng goodluck message si Remulla para kay De Lima na nakatakdang hatulan ngayong araw sa Muntinlupa City RTC.

Matatandaan na si De Lima ay kinasuhan at nakulong noong 2016 matapos siyang akusahan ng nasa likod ng operasyon ng droga sa loob ng National Bilibid Prison sa Muntinlupa City noong siya pa ang Kalihim ng Department of Justice.

Facebook Comments