Tiwala ang Department of Justice (DOJ) na ikukonsidera ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanilang komento sa Anti-Terror Bill.
Sinabi ni Justice Secretary Menardo Guevarra na ginagawa na nila ang draft ng komento na kanilang ipapasa sa Office of the President bukas.
Noong Lunes ay nag-brainstorming session ang mga opisyal ng DOJ kung saan binusisi nila ang bawat bahagi ng Anti-Terrorism Bill.
Kampante si Guevarra na hindi lamang ang komento ng DOJ ang ikukonsidera kundi maging ang iba pang ahensya ng gobyerno na hiningan ng Office of the Executive Secretary ng komento sa panukala.
Ayon sa kalihim, highly confidential ang komento na kanilang ipapadala sa Malacañang kaya ipauubaya na nila sa Palasyo kung isasapubliko ito o hindi.
Facebook Comments