DOJ, kumpiyansang malulutas ang malaking gap sa pulisya at prosecutors

Naniniwala ang Department of Justice (DOJ) na malulutas na ang malaking gap sa pagitan ng pulisya at prosecutors.

Ayon kay Secretary Jesus Crispin Remulla, ito ay dahil sa inilabas na Department Order No. 20 na magsisilbing tulay at magpapalakas sa pundasyon ng sistema ng hustisya sa bansa.

Aniya, ito ay isang inisyatiba na mag-uugnay sa mga piskal at mga law enforcement agencies, para sa patas na imbestigasyon at matatag na case build up.


Inihayag ito ni Remulla sa DOJ – PNP Training Program for Law Enforcement Officers kung saan iginiit nito ang kahalagahan ng epektibong komunikasyon at pagbabahagi ng mga impormasyon na nakasaad sa DO No. 20.

Facebook Comments