DOJ, kumpiyansang mapapa-deport si ex-Rep. Arnolfo Teves

Kampante ang Department of Justice (DOJ) na mapapabalik sa bansa si dating Congressman Arnolfo Teves Jr., mula sa Timor Leste.

Ito ay para harapin ang mga kasong murder laban sa kanya.

Ayon kay DOJ Spokesman Atty. Mico Clavano, naisumite na ng gobyerno ng Pilipinas nang maaga sa Timor Leste ang requirements para sa extradition ni Teves.


Sinabi pa ni Clavano na maaari ding maipa-deport si Teves depende sa desisyon ng pamahalaan ng Timor Leste.

Bilang requesting party, dapat aniyang igalang din ng Pilipinas ang legal proceedings ng Timor Leste.

Facebook Comments