DOJ, kumpiyansang mareresolba ng NBI ang kaso ng pagpatay sa retiradong CA justice

Tiwala ang Department of Justice (DOJ) na mareresolba ng National Bureau of Investigation (NBI) ang pagpatay kay retired Court of Appeals (CA) Justice Normandie Pizzaro.

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, patuloy na nag-iimbestiga ang NBI pero mareresolba rin ito sa lalong madaling panahon.

Una nang sinabi ni Guevarra na may natukoy na ang NBI na apat na persons of interest sa kaso.


Nabatid na kinumpirma rin ng NBi na ang katawang narekober sa Capas, Tarlac noong October 30 ay ang dating CA judge, na pinaniniwalaang brutal na pinatay.

Facebook Comments