
Nakatakdang isyuhan ng subpoena ng Department of Justice (DOJ) sina Senator Jinggoy Estrada at dating Senator Bong Revilla kaugnay sa kinakaraharap nilang reklamo sa maanomalyang flood control projects.
Ayon kay Prosecutor General Richard Anthony Fadullon, ito ay bahagi ng pagsisimula ng paunang imbestigasyon sa mganaturang reklamo.
Nitong Huwebes nang sabihin ni DOJ Spokesperson Atty. Polo Martinez na naghain ang National Bureau of Investigation ng hiwalay na reklamong plunder laban kina Estrada at Revilla.
Una nang sumalang sa preliminary investigation ang reklamong plunder laban naman kay dating Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co.
Facebook Comments










