DOJ, magbibigay ng P1 million na reward sa makapagtuturo kay Cassandra Ong

Maglalabas ng isang milyong pisong pabuya ang Department of Justice (DOJ) sa makapagbibigay ng impormasyon o makapagtuturo sa kinalalagyan ni Cassandra Li Ong.

Ayon kay Justice Secretary Eric Vida, layon nitong mapabilis ang paghahanap at pag-aresto kay Ong na nahaharap sa kasong qualified trafficking dahil sa sinalakay na POGO hub na Lucky South 99.

Sabi ni Vida, naglagak ng pondo para rito ang Justice Department upang agad na maiharap sa korte si Ong.

Batid aniya nila na may kakayanan ang mga ito na maglabas-masok ng bansa nang hindi agad natutukoy.

Kahapon nang ipakansela na ng Pasig City Regional Trial Court ang passport ni Ong.

Kahapon, inamin ni Atty. Ferdinand Topacio na maituturing nang pugante ang kaniyang kliyenteng si Ong.

Sabi ni Topacio, bagama’t mahigit isang taon na mula nang makausap niya ito, nananatili pa rin siyang legal counsel ni Ong.

Facebook Comments