DOJ, magkakaroon ng pulong sa PCG at NBI, kaugnay sa nangyaring oil spill sa Oriental Mindoro

Naniniwala si Justice Sec. Jesus Crispin Remulla na mayroong krimen sa nangyaring oil spill sa Oriental Mindoro.

Inihayag ito ni Remulla kasabay ng pagkumpirma na magkakaroon ng pulong sa Department of Justice o DOJ mamayang hapon, kaugnay sa oil spill na idinulot ng lumubog na MT Princess Empress kung saan kasama nila ang Philippine Coast Guard (PCG), National Bureau of Investigation at iba pa.

Ayon kay Remulla, ang conference na ito ay layong ma-establish ang aniya’y “scene of the crime” at nais nila na malaman ang bawat anggulo ng kalamidad na dala ng oil spill.


Sinabi pa ni Remulla na sisilipin din ang isyu ng permits at iba pang may kinalaman sa oil spill na dulot ng MT Princess Empress.

Handa rin daw na magsampa ng kaso ang pamahalaan sa mga may pananagutan dahil sa nakikita ng DOJ na may krimen na nangyari, batay sa inisyal na imbestigasyon na ginawa.

Facebook Comments