Manila, Philippines – Submitted for resolution na sa Department of Justice (DOJ) ang kasong tax evasion na inihain ng Bureau of Internal Revenue (BIR) laban sa aktor na si Richard Gutierrez.
Ito ay makaraang magsumite si Gutierrez ng rejoinder affidavit kung saan personal niya itong pinanumpaan.
Iginiit ng aktor niya na walang ebidensya ang BIR para patunayan na may probable cause para masampahan siya sa korte ng kasong tax evasion, falsification of public documents at perjury.
Nag-ugat ang kaso sa sinasabing kabiguan ng kumpanya nitong R Gutz Production na magsumite ng income tax return nuong 2012, at ng dalawang quarterly value added tax returns sa parehong taon .
Inakusahan din ang aktor ng BIR NG hindi tamang pagdeklara ng kinita ng kanyang kumpanya sa nabanggit ding taon.
Si Gutierrez at ang kanyang kumpanya ay hinahabol ng BIR dahil sa P38.57 million na halaga ng tax liability.