DOJ, maglalabas ng ilbo vs drug queen

273

Maglalabas ang Department of Justice (DOJ) ng ILBO o Immigration Lookout Bulletin Order laban sa tinaguriang drug queen na si dating barangay chairwoman Guia Gomez Castro.

 

Ito ay sa kabila ng nakalabas na ng bansa si Castro noong Sept 21.


 

Sinabi naman ni Justice Spokesman Undersec. Markk Perete na ang ILBO ay para lamang ma-monitor ang departures at arrival ng isang pasahero.

 

Aniya, kailangan pa rin nila ang tulong ng Interpol para mamonitor ang galaw ni Castro.

 

Sa sandaling makapagpalabas na aniya ng ILBO ang DOJ, maaari na nilang hilingin ang tulong ng Interpol.

Facebook Comments