Nagbanta ang Department of Justice (DOJ) na magsasampa sila ng sunud-sunod na kaso laban sa mga kompanyang hindi nagbabayad ng buwis.
Ayon sa DOJ, inirekomenda na ng panel of prosecutors ang pagsasagawa ng imbestigasyon laban sa ghost/fly-by-night corporations at ang kanilang buyer companies na gumagawa ng mga pekeng purchases at expenses gamit ang mga hindi totoong Bureau of Internal Revenue (BIR) sales invoice receipts.
Sisilipin anila sa imbestigasyon ang posibleng mga paglabag sa batas sa ilalim ng National Internal Revenue Code (NIRC) of 1997, at Revised Penal Code and iba oang penal laws.
Una nang tinambakan ng kaso ng DOJ ang Buildforce Trading, Inc., gayundin ang corporate officers, at certified public accountant nito dahil sa pandaraya sa computation sa buwis.