DOJ, magpapalabas ng Immigration Lookout Bulletin Order laban kay Julian Ongpin kaugnay ng pagkamatay ng artist na si Bree Jonson

138

Tiniyak ni Justice Sec. Menardo Guevarra na magpapalabas ang Department of Justice (DOJ) ng Immigration Lookout Bulletin Order laban kay Julian Ongpin.

Kaugnay ito ng pagkamatay ng sinasabing kasintahan nito na si Bree Jonson kung saan iginigiit ng pamilya ng biktima na may foul play sa pagkamatay ng kanilang kaanak.


Ayon kay Sec. Guevarra, naisampa na ang drug charges laban kay Ongpin kaya maaari na rin nilang hilingin sa korte ang pagpapalabas ng hold departure order.

Una na ring umapela kay Guevarra ang ina ni Bree na si Sally Jonson na pigilan ang posibleng paglabas ng bansa ni Ongpin lalo na’t maimpluwensya ang pamilya nito.

Si Ongpin ay anak ng bilyonaryong si Roberto Ongpin at sinasabing siya ang huling kasama ng biktima sa isang hotel sa La Union bago ito binawian ng buhay.

Facebook Comments