DOJ, magpapalabas ng panibagong resolution para sa paglaya ni John Paul Solano

Manila, Philippines – Magpapalabas ng panibagong resolution ang Dept. of Justice para sa paglaya ni hazing suspect John Paul Solano.

Ito ay matapos na hindi mapalaya si Solano sa kabila ng inilabas na release order ng DOJ dahil hindi naresolba ang isyu sa obstruction of justice.

Ina-asahang ngayong hapon magpapalabas ang DOJ ng panibagong release order kay Solano.


Bukod sa kasong obstruction of justice, kabilang din sa isinampa ng Manila Police District laban kay Solano ay murder, perjury, robbery at paglabag sa anti-hazing law.

Kahapon, una na ring nilinaw ni Assistant State Prosecutor Susan Villanueva na walang ni-resolve kahapon na obstruction of justice dahil wala namang detalye ng alegasyon sa reklamo ng MPD.

Facebook Comments