DOJ, magsasagawa ng manhunt operations sa tumakas na Chinese national na nagpapatakbo sa sinalakay na POGO sa Pasay City

Kinumpirma ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla ang pagkawala ng isang Chinese na naaresto ng mga awtoridad sa sinalakay na Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa Pasay City kamakailan.

Sa press briefing ngayong hapon, sinabi ni Remulla na naglatag na ng manhunt operation laban sa naturang “dayuhan” na hindi pinangalanan.

Nagpalabas na rin aniya ng show cause order upang malaman kung sino ang dapat managot sa pagkawala ng nasabing Chinese.


Nilinaw ng kalihim na bagaman kulang ang mga pasilidad ng pamahalaan ngunit hindi aniya ito dahilan para pabayaan na lamang na makatakas ang isang bilanggo.

Ang nawawalang Chinese ay isa sa mga nakasuhan sa sinalakay na POGO facility sa Pasay City kung saan narekober ang halos 28,000 registered sim cards na ginagamit sa online scam.

Facebook Comments