DOJ main building, new NPS building at Annex building, isinailalim sa lockdown matapos magpositibo sa COVID-19 ang ilang empleyado

Isasailalim sa lockdown ang buong Department of Justice (DOH) complex sa Padre Faura, Manila matapos na magpositibo sa COVID-19 ang limang empleyado ng kagawaran.

Magsisimula ang lockdown bukas, araw ng Huwebes, at magtatagal hanggang June 28, 2020.

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, iniutos niya ang pagsasara ng DOJ main building, bagong NPS building at Annex building malapit sa Court of Appeals dahil sa posibleng exposure sa mga COVID positive employees.


Tatlo sa mga nagpositibo ay DOJ main employees kung saan ang isa ay outsourced personnel habang ang isa ay nasa field office.

Tiniyak ni Guevarra na tuloy ang karamihan ng mga trabaho ng DOJ sa mga tahanan ng mga kawani.

Patuloy namang tatanggap ang frontline ng DOJ ng mga affidavits, mosyon at iba pang dokumento na may kaugnayan sa mga naka-schedule na pagdinig.

Pero dahil sa lockdown ay maaari ipagpaliban ang mga scheduled hearings ng mga kaso sa DOJ.

Facebook Comments