DOJ, makikipag-ugnayan sa DILG hinggil sa isiniwalat ng sumukong gunman sa pagpatay kay Percy Lapid

Makikipag-ugnayan ang Department of Justice (DOJ) sa Department of the Interior and Local Government (DILG) para makuha ang ibang detalye hinggil sa isiniwalat ng gunman na responsable sa pagkakapatay kay Percy Lapid.

Sa presscon na isinagawa ni Justice Sec. Jesus Crispin Remulla, aalamin niya ang kumpletong detalye sa isiniwalat ng sumukong gunman na si Joel Salve Estorial.

Matatandaan na inamin ni Estorial na inutusan siya na patayin ang brodkaster kung saan nanggaling umano ang utos sa loob ng bilibid.


Sinabi ni Sec. Remulla, kakausapin niya mismo si DILG Sec. Benjamin Abalos Jr., para makuha ang iba pang impormasyon hinggil sa isiniwalat ng sumukong gunman.

Aniya, dapat na maprotektahan rin ang gunman upang malaman ang mastermind sa pagpatay.

Dagdag pa ng kalihim, sakaling makuha ang kumpletong detalye paiimbestigahan niya ang ibinulgar ng nasabing gunman.

Facebook Comments