Sisilipin din ng Department of Justice (DOJ) ang mga reklamong may kaugnayan sa katiwalian laban kay Vice President Sara Duterte.
Kaugnay ito sa umano’y maanumalyang paggamit ng confidential funds ng Office of the Vice President at Department of Education sa ilalim ni Duterte.
Ayon kay Justice Undersecretary Jesse Hermogenes Andres, tatalakayin din nila ang isyu ng korapsiyon bukod sa grave threats at sedition.
Sa ngayon ay hinihintay na lang daw nila na makipag-ugnayan sa DOJ ang House Committee on Good Government and Public Accountability na siyang nag-iimbestiga ngayon dito.
Nariyan aniya ang Anti-Graft Law upang masiguro na accountable ang mga public official.
Facebook Comments