DOJ, makikipagtulungan sa Kongreso at ICI sa imbestigasyon sa flood control anomaly; isang taga-DPWH, planong i-evaluate para sa witness protection

Ibinunyag ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na may tatlo pang indibidwal ang interesadong magpahayag ng kanilang nalalaman tungkol sa mga maanomalyang flood control projects ng pamahalaan.

Pero tumanggi si Remulla na pangalanan ang mga indibidwal habang may isa ring taga-Department of Public Works and Highways (DPWH) na gusto nilang i-evaluate para sa Witness Protection Program (WPP).

Ngayong Biyernes, bumisita sa Department of Justice (DOJ) ang mag-asawang contractor na sina Curlee at Sara Discaya para sa kanilang aplikasyon sa WPP.

Sabi ni Remulla, siya ang nag-imbita sa mga ito na magpunta sa DOJ pero marami pa raw pagdaraanang proseso.

Tiniyak naman ng DOJ na makikipagtulungan sila sa Kongreso at sa binuong Independent Commission for Infrastructure (ICI) lalo na upang hindi magkaroon ng overlapping sa imbestigasyon.

Facebook Comments