Naghahanda na ang Department of Justice (DOJ) sa pagbabalik bansa ni Mary Jane Veloso.
Ito’y matapos ang 14 na taon na pagkakakulong sa Indonesia dahil sa kasong may kinalaman sa iligal na droga kung saan una siyang hinatulan ng bitsy pero dahil sa ilang beses na apela ng gobyerno ng Pilipinas ay ibinaba ito sa life sentence.
Sa isang panayam kay Justice Sec. Jesus Crispin Remulla, nakipag-uugnayan na sila sa Department of Foreign Affairs (DFA) para malaman ang proseso sa pag-uwi sa Pilipinas ni Veloso.
Aniya, kapag nasa bansa na si Veloso ay parte na ito ng hurisdiksyon ng batas ng Pilipinas kung saan aatasan ang National Bureau of Investigation (NBI) na sumundo rito sa airport.
Dagdag pa ni Remulla, kailangan pa rin ipatupad ang hatol kay Veloso kung saan idederetso siya sa Women’s Correctional pero isasailalim muna siya sa medical check-up.
Sinabi pa ng Kalihim na sa ngayon, walang hinihinging kapalit ang bansang Indonesia sa pagpapauwi kay Veloso at ang DFA na ang bahalang makipag-usap sa Indonesia.