DOJ, mas lalong naniniwala na may koneksyon ang POGO sa Bamban, Tarlac at Porac, Pampanga

Lumilinaw na ngayon ang koneksyon ng operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operation (POGO) sa Bamban, Tarlac at sa Porac, Pampanga.

Ito ang inihayag ni Department of Justice (DOJ) Sec. Jesus Crispin Remulla kasunod ng pagkakahuli kay Cassandra Ong sa Indonesia kasama ang pinaniniwalaang kapatid ni dismissed Mayor Alice Guo.

Taliwas aniya sa pagtanggi ni dating Sec. Harry Roque, lumalabas ngayon na konektado ang dalawang illegal na POGO.


Si Ong ang itinuturong nasa likod ng operasyon ng POGO sa Porac habang ang mga Guo ang siyang umano’y responsable sa POGO sa Bamban.

Sinabi ni Remulla na tinatrabaho na ng DOJ katuwang ang iba pang ahensiya ang pagpapauwi sa dalawang inaresto.

Facebook Comments