DOJ, mas palalakasin pa ang kampanya laban sa human trafficking matapos maiuwi ang ilang mga biktima sa Cambodia

Mas lalo pang palalakasin ng Department of Justice (DOJ) ang kampanya laban sa human trafficking upang maiwasan na mabiktima ang ilang mga inosenteng Pilipino.

Ang hakbang na ito ng DOJ ay kasabay ng pagpapauwi sa 13 Filipina na biktima ng surrogacy ban sa Cambodia.

Ayon kay Justice Usec. Nicolas Felix Ty, gumagawa na ng mas malakas na hakbang at patakaran ang Inter Agency Council Against Trafficking para masakote ang mga sindikato na nasa likod nito.


Kasabay nito, nagpapaalala naman si Ty sa iba pang mga Pinoy na nais magtrabaho sa abroad na suriing mabuti ang mga iniaalok sa mga online bago ito kagatin.

Maigi rin na dumaan sa tamang proseso upang hindi mabiktima ng human trafficking at hindi maharap sa anumang kaso sa bansang nais puntahan.

Matatandaan na ang 13 surrogate mother ay naiuwi kahapon sa Pilipinas matapos itong bigyan ng pardon ng Royal Government ng Cambodia kung saan 10 sa kanila ay buntis kaya’t agad na inalalayan ng mga tauhan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Facebook Comments