DOJ, may apela sa publiko sa harap ng Enhanced Community Quarantine

Nanawagan ang Department of Justice (DOJ) sa publiko na maging mapagpasensya at magsakripisyo, kasabay ng nararanasang abala na dulot ng patuloy na pagkalat ng Coronavirus Disease (COVID-19).

Sinabi ni Justice Secretary Menardo Guevarra na ginagawa lang kasi ng pamahalaan na isalba o mailigtas ang kasalukuyang henerasyon sa lumalalang sitwasyon o kalamidad.

Iginiit pa ni Guevarra na kung wala tayong pakialam ay posibleng dumating ang panahon na pagsisisihan natin kung mamaliitin o babalewalain lang natin ang COVID-19.


Umapela sa publiko si Guevarra matapos isinailalim ni Pangulong Rodrigo Duterte kagabi ang buong Luzon sa enhanced community quarantine bilang isa sa pamamaran upang labanan ang nasabing virus o sakit.

Facebook Comments