DOJ, may bagong testigo sa kaso ng missing sabungeros

May bagong hawak na testigo ang Department of Justice (DOJ) na may kaugnayan sa kaso ng mga nawawalang sabungero.

Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, malaki ang maitutulong ng bagong testigo sa pagsuporta sa mga naunang pahayag ng whistleblower na si Julie Patidongan o “Alyas Totoy.”

Hindi lang aniya basta testimonya ang hawak nila dahil mayroon pang tiyak na ebidensiya na ibinigay ang testigo.

Tumanggi naman ang kalihim na pangalanan ang naturang indibidwal.

Samantala, dumating din ngayong Martes sa tanggapan ng DOJ si Philippine National Police o PNP Chief Gen Nicolas Torre III para makipagpulong kay Remulla kugnay sa kaso ng nawawalang mga sabungero.

Una nang tiniyak ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., kahapon sa kaniyang ikaapat na State of the Nation Address ang hustisya para sa mga biktima.

Facebook Comments