Manila, Philippines – Umabot na sa higit 10,000 kaso ang backlog ng Department of Justice (DOJ) na pending for review.
Ayon kay DOJ Undersecretary Adrian Sugay – ang huli nilang bilang nasa 12,000 hanggang 14,000 na pending cases.
Naghahain ng petitions for review sa DOJ ang mga partido, kung sila ay hindi kampante sa resulta ng preliminary investigation na isinagawa ng mga prosecutor ng National Prosecution Service (NPS) hinggil sa kanilang kaso.
Ang mga petisyon ay nireresolba ng justice secretary o isa sa mga undersecretaries
Tiniyak naman ng DOJ na ginagawa nila ang lahat para mabawasan ang backlog ng mga kaso.
Facebook Comments