
Kinumpirma ni Justice Sec. Crispin Remulla na may mga bago silang ebidensya na nakuha sa mag-asawang contractors na sina Curlee at Sara Discaya.
Sa ambush interview sa Independent Commission for Infrastructure (ICI), sinabi ni Remulla na hinihingi niya rin sa mga discaya ang mga notes nito para masuri ng maayos.
Mahalaga aniya kasing magtugma ang notes nito at ang kanilang testimonya.
Tiniyak naman ng kalihim na patuloy pa nilang ini-evaluate ang aplikasyon ng mag-asawang Discaya para maisailalim sa witness protection program.
Facebook Comments









