DOJ, may paglilinaw sa isyu ng warrantless arrest sa IRR ng Anti-Terror Law

Tiniyak ng Department of Justice (DOJ) na naaayon sa Saligang Batas ang pagpapatupad ng warrantless arrest sa ilalim ng Anti-Terrorism Act of 2020.

Ayon kay Justice Undersecretary Adrian Sugay, ito ang nakasaad sa inaprubahang IRR o Implementing Rules and Regulations ng batas.

Nilinaw rin ni Sugay na ang nilalaman ng IRR ng Anti-Terror Law ay para sa kaligtasan ng lahat at hindi ito pumapabor sa mga otoridad.


Aniya, nakapaloob dito ang gabay sa publiko kung paano susundin ang batas gayundin kung paano ito ipapatupad ng mga otoridad.

Sa ngayon, mahigit 30 mga petisyon kontra Anti-Terror Act na nakahain sa Korte Suprema.

Facebook Comments