DOJ, may plano na sakaling katigan ng SC ang hirit nilang ilipat ng trial court ang pagdinig sa kaso ng Maute Terrorist Group

Manila, Philippines – Magtatalaga ang Department of Justice ng bagong panel of prosecutors ng hahawak sa kaso ng Maute Terrorist Group.

Ito ay kung katigan ng Korte Suprema ang hirit ng Department of Justice na ilipat mula CDO RTC patungong Taguig RTC ang pagdinig sa mga kasong kinasasangkutan ng Maute.

Sinabi ni Aguirre na bubuuin ang panel ng mga piskal mula sa Metro Manila na agad sasanayin sa continuous trial.


Sa ilalim ng continuous trial system, pinagbabawal ang pagpapaliban sa mga pagdinig maliban na lamang sa makatwirang dahilan at kung talagang kinakailangan.

Samantala, ang pagdinig ay idaraos tuwing makalawang araw at kung maaari ay mahatulan ng kaso sa loob ng 90 araw magmula nang maideklara itong submitted for resolution.

Facebook Comments