DOJ, may ultimatum na kay dating BuCor Chief Bantag

Ilang araw na lamang ang natitira para sumuko si dating Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gerald Bantag.

Ayon kay Justice Sec. Crispin Remulla, kapag hindi pa sumuko si Bantag sa mga susunod na araw ay sisimulan na nila ang pag-aresto rito.

Tiniyak naman ni Remulla na gagawin nila ang lahat ng kinakailangan para sa kaligtasan ni Bantag sakaling totohanin nito ang kaniyang naunang pahayag ng intensyong sumuko na.


Nanindigan naman si Remulla na nasa Pilipinas pa si Bantag at si dating BuCor Jail Officer Ricardo Zulueta.

Aniya, sila ay kasalukuyan na ring tina-track ng Philippine National Police (PNP) at ng National Bureau of Investigation.

Una nang inihayag ng kalihim na handa ang Department of Justice (DOJ) na irekomenda na ikulong si Bantag sa PNP Custodial Center sa Camp Crame sakaling sumuko ito.

Facebook Comments