DOJ, mayroon na lamang dalawang COVID active cases sa kanilang mga empleyado

Kinumpirma ni Justice Secretary Menardo Guevarra na dalawa na lamang ang aktibong kaso ng COVID-19 sa hanay ng DOJ employees.

Ito ay mula sa 17 naging kaso ng virus sa kanilang hanay.

Ayon kay Secretary Guevarra, ang dalawang aktibong kaso ay naitala nito lamang December 1 at December 18.


Aniya, ang mga tinamaan ng virus na empleyado nila ay nag-home quarantine lamang at ang iba naman ay sa quarantine facilities, depende sa sitwasyon.

Tiniyak naman ng kalihim na regular ang pagsasagawa nila ng contact tracing at disinfection sa buong DOJ main office.

Facebook Comments