DOJ: Mga kaso ng EJK sa Marcos admin, personal na motibo ang dahilan

Iginiit ng Department of Justice (DOJ) na personal na motibo ang dahilan ng mga napaulat na kaso ng extrajudicial killings (EJK) sa bansa sa ilalim ng Marcos administration.

Ayon sa kagawaran, ito ang lumabas sa kanilang imbestigasyon.

Mahalaga anilang matukoy ang pagkakaiba ng mga serye ng patayan na may kaugnayan sa lehitimong pagpapatupad ng batas mula sa tunay na mga insidente ng EJK.


Muli ring tiniyak ng DOJ na ginagawa nila ang tungkulin sa pagprotekta sa karapatang pantao.

Tuloy-tuloy rin anila ang ginagawang reporma sa pagpapalakas ng criminal justice system sa Pilipinas upang maabot ang hangarin ni Secretary Jesus Crispin Remulla na 100% EJK-free na Pilipinas.

Facebook Comments