Nais muna ng Department of Justice (DOJ) na linisin muna ang listahan ng henious crime convict na magiging batayan ng mga awtoridad sa pag-aresto.
Lumabas kasi na lumampas sa higit 2,000 ang naarestong convict mula sa 1,914.
Ayon kay DOJ Undersecretary Markk Perete – aayusin muna nila ang magulong listahan at maglalabas ng panibagong listahan.
Ang Bureau of Corrections (BuCor) nagbigay ng updated na listahan na naglalaman ng higit 600 pangalan.
Inalis na nila ang pangalan ng mga bilanggong sumuko pero kailangan pa rin itong maberipika.
Sa ngayon, wala pang tiyak ang DOJ kung kailan matatapos ang paglilinis sa listahan.
Facebook Comments