DOJ, minamadali na ang proseso sa pagpapa-deport sa dayuhan na nahuli sa umano’y POGO hub sa Bagac, Bataan

Kinumpirma ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na puspusan na ang kanilang ginagawang proseso sa pagpapa-deport sa mga dayuhan na nahuli sa umano’y Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) hub sa Bagac Bataan.

Ayon kay Remulla, marami pang mga dokumento ang kinakailangan para maipa-deport ang nasa 42 illegal POGO workers.

Aniya, nakikipag-ugnayan sila sa Bureau of Immigration (BI) na naatasan na mag-proseso sa pagpapa-deport sa mga nasabing dayuhan upang malamam ang mga nararapat gawin.


Matatandaan na noong nakaraang buwan ay sinalakay ng Presidential Anti-Orgnaize Crime Commission (PAOCC), Bureau of Immigration (BI), Philippine National Police (PNP), at iba pang Law Enforcement Unit ang nasabing umano’y POGO hub.

Itinanggi naman ito ng mga naaresto at sinabing Business Processing Outsourcing (BPO) lamang ang naturang kompanya.

Facebook Comments