DOJ: Modernisasyon sa Revised Penal Code ng Pilipinas, napapanahon na

Napapanahon na para i-modernize ang Revised Penal Code ng Pilipinas.

Ito ang sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla matapos ang pagbuo ng partnership sa isang Germany-based non-government/non-profit organization para palakasin ang pakikipagtulungan ng Department of Justice (DOJ) sa law enforcement agencies.

Ayon kay Remulla, dapat naaayon sa kasalukuyang panahon ang Penal Code para mas maging epektibo sa pag-iral ng hustisya sa bansa.


Sa pinirmahang Memorandum of Understanding ng DOJ at Hanns Seidel Foundation, paiigtingin ang kooperasyon ng prosecution at mga law enforcement agencies lalo na sa Northern Mindanao.

Facebook Comments