DOJ, muling humirit sa korte para sa pag-inhibit ng hukom sa kaso ng pagdukot at pagpatay kay Korean Businessman Jee Ick Joo

Muling naghain ng oposisyon ang panig ng prosekusyon laban kay Angeles City RTC Branch 56 Judge Irin Zenaida Buan.

Kaugnay ito sa kaso ng pagdukot kay Korean Businessman Jee Ick Joo noong October, 2016.

Sa anim na pahinang second motion for inhibition, hiniling ng mga prosecutors ng DOJ na mapagbigyan ang  kanilang hiling para sa boluntaryong pag-inhibit ni Judge Buan.


Hinihiling din nila sa kanilang mosyon na ipagpaliban ang pagpapalabas ng resolusyon sa motion for partial reconsideration na may petsang May 23, 2019 na kanilang inihain, hangga’t hindi nareresolba ang kanilang ikalawang mosyon.

Nauna nang iginiit ng mga piskalya ng DOJ na sa halip na resulbahin ng hukom ang inihain nilang unang motion for inhibition, naglabas pa ito ng kautusan para sa pagtatakda ng tentative schedule ng paunang trial noong July 31,2019.

Nagkaroon din ng pagdududa ang DOJ sa  hukom matapos na payagang makapagpiyansa ang isa sa mga pangunahing akusado na si Dating Supt. Rafael  Dumlao.

Facebook Comments