DOJ, muling magpapatupad ng lockdown matapos na 7 pang empleyado ang magpositibo sa COVID-19

Muling magpapatupad ng lockdown ang Department of Justice, matapos na panibagong 7 empleyado ng DOJ ang magpositibo sa COVID-19.

Sa anunsyo ni Justice Sec. Menardo Guevarra, epektibo ang lockdown bukas, araw ng Biyernes hanggang sa Martes, March 22.

Ito ay para bigyang daan ang muling disinfection sa mga gusali ng DOJ.


Ayon kay Sec. Guevarra, magwo-work from home muna sila, maliban sa skeletal staff na tatanggap ng mga dokumento at ang mga naka-assign sa iba pang frontline service.

Sa ngayon, 17 na ang aktibong kaso sa hanay ng mga tauhan ng DOJ.

Nitong nakalipas na Lunes at Martes ay ini-lockdown din ang DOJ dahil sa mga bagong kaso ng COVID sa ilang mga empleyado.

Facebook Comments