Naglaan ng ₱5 milyong pabuya si Department of Justice (DOJ) Secretary Crispin Remulla sa makapagtuturo sa kinaroroonan ng mga suspek sa pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo.
Inatasan na rin ni Remulla ang National Bureau of Investigation (NBI) na magsagawa ng imbestigasyon sa pagkamatay ni Degamo at sa limang iba pang mga sibilyan.
Nagbanta rin si Remulla na hindi titigil ang DOJ at ang law enforcement agencies hangga’t hindi napapanagot sa batas ang mastermind at mga suspek sa krimen.
Aniya, hindi maaaring palampasin ang naturang kaso lalo na’t may mga sibilyan na dinamay ang mga salarin.
Si Degamo ay binaril sa mismong compound ng tahanan nito sa Pamplona, Negros Oriental.
Facebook Comments