Nagbabala ang Department of Justice sa publiko laban sa “love and cargo” scam.
Sa abiso ng Office of Cybercrime ng DOJ, marami ang mananamantala ngayong panahon ng kapaskuhan kung saan lilinlangin ang mga mabibiktima sa pamamagitan ng iba’t ibang fraudulent schemes.
Mahalagang alam ng publiko sa mga talamak na modus para maiwasang mabiktima ng mga cyber criminals.
Sa ilalim ng “love and cargo” scheme, kakaibiganin ng suspek ang mabibiktima nito sa pamamagitan ng online dating o social media.
Payo ng DOJ, maging mapanuri at huwag magbibigay ng pera o regalo sa sinumang nakilala lamang online.
Bukod dito, ang mga biktima ay makakatanggap ng mensahe mula sa bogus courier service companies at sasabihing dumating na ang package na naglalaman ng pera o luxury items.
Ang mga bogus courier service ay magpapakita pa ng pekeng resibo, tracking numbers ng mga package at iba pang dokumento para ipakitang lehitimo ang transaksyon.
Kahit naideposito na ang bayad, ang bogus courier ay hihingi pa sa biktima ng karagdagang bayad para sa umano ay buwis na may kaugnayan sa perang nakasilid mismo sa package.
Ang mga kawatan ay gumagamit ng sumusunod a bogus courier services gaya ng mga sumusunod: ABC Cargo; ACC Cargo; Airtrack Cargo; Alpha Blink; Blue express; ECC Cargo; Express Cargo; Global Express Cargo; Link Up Frieght, Oceanic Delivery; Quick Cargo; Sky Express; Skyline Delivery Express; Speed Cargo; SpeedEx Cargo; Unifed, Union Cargo; at Unified Global.
Ang mga nabiktima ng ganitong scam ay pinayuhang makipag-ugnayan sa DOJ o sa Cybercrime Division ng National Bureau of Investigation (NBI).