DOJ, naghahanda na sa itatayong COVID-19 facility sa Bilibid

Sinimulan na ng Bureau of Corrections (BuCor) ang pagpa-plano sa itatayong malaking Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) facility sa loob ng compound ng New Bilibid Prisons (NBP) sa Muntinlupa City.

Sa harap ito ng pag-alma ng Local Government Unit (LGU) ng Muntinlupa City at mga residente sa paglipat sa bilibid sa mga inmate mula Correctional Institution for Women (CIW) na may COVID-19.

Ayon kay Justice Sec. Menardo Guevarra, ang malaking quarantine facility na tatawaging “Tent City” ang itatayo sa NBP compound.


Patuloy naman ang koordinasyon ng NBP sa Department of Public Works and Highways (DPWH) para sa naturang proyekto.

Facebook Comments