DOJ, naghihintay ng go signal mula sa Office of the President kaugnay ng joint maritime inquiry sa China

Manila, Philippines – Kinumpirma ng DOJ na naghihintay sila ng basbas mula sa tanggapan ng Pangulo kaugnay ng pagsisimula ng joint maritime investigation sa pagitan ng Pilipinas at China.

Kaugnay ito ng pagpapalubog ng Chinese vessel sa fishing boat ng mga mangingisdang Pilipino sa Recto Bank.

Ayon kay Justice Spokesman Undersecretary Markk Perete, naghihintay din sila ng mga panuntunan na ilalabas ng Office of the President kaugnay ng joint marine inquiry.


Gayunman, sinabi ni Perete na mahalaga ang kooperasyon ng China sa joint investigation upang mapanagot ang mga may salang tripulante ng Chinese vessel.

Mahalaga rin aniya ang magiging papel ng mga eksperto sa gagawing imbestigasyon.

Sa ngayon, hindi rin makapagbigay pa ang DOJ ng timeline sa joint marine inquiry, maging ng eksaktong petsa ng pagsisimula sa imbestigasyon.

Facebook Comments