DOJ, nagkomento sa kasong isinampa ng SEC laban sa mga mapang-abusong lending compnies

Nagbigay ng komento ang Department of Justice (DOJ) kaugnay reklamong “abusive collection” na inihain ng Securities and Exchange Commission laban sa 6 na kompanya at 32 indibidwal na umano’y nanghaharas at namamahiya ng mga indibidwal na may pagkakautang.

Ayon kay DOJ Sec. Jesus Crispin Remulla, maaaring labagin nito ang batas sa online lending at cyber libel.

Samantala, sinabi naman ni DOJ Spokesperson Atty. Mico Clavano na ang reklamong inihain kaninang umaga sa DOJ ay ang kabilang na sa 2nd batch na mga reklamo tungkol sa mga lending companies.


Pinagbabawalan aniya sa ilalim ng Financial Products and Services Consumer Protection Act (RA 11765) ang mga Financial Services Providers mula sa mapang-abusong pangongolekta o pagbawi ng utang laban sa kanilang mga consumer.

Kabilang dito ang mga banta na ipo-post ang kanilang mga larawan at pamilya, online.

Sa kasalukuyan, nasa higit 200 ebidensiya na ang narekober sa isinagawang raid ng PNP Anti-Cybercrime Group sa isang BPO company sa Pasig City na nanghaharas ng kanilang mga kliyente noong nakaraang buwan.

Facebook Comments