DOJ, naglabas na ng lookout order para kina dating DBM Usec. Christopher Lao at 7 pang indibidwal

108

Naglabas na ang Department of Justice ng immigration lookout bulletin order para kina dating Budget Undersecretary Lloyd Christopher Lao at pito pang indibidwal kaugnay sa nagpapatuloy na imbestigasyon ng Senado sa pagbili ng pandemic supplies.

Bukod kay Lao, nasa lookout list din sina Overall Deputy Ombudsman Warren Rex Liong at ang mga opisyal ng Pharmally Pharmaceutical Corporation na sina:


-Twinkle Dargani
-Huang Tzu Yen
-Krizle Grace Mago
-Justine Garado
-Linconn Ong
-Mohit Dargani

Layon nitong bantayan ang pagkilos ng mga nasabing indibidwal sakaling magtangka ang mga ito na lumabas ng bansa.

Samantala, inaasahang maglalabas din ng lookout order ang DOJ para naman sa Chinese businessman at dating Presidential Economic Adviser na si Michael Yang na umano’y nagpautang sa Pharmally.

Facebook Comments