Nanindigan ang Department of Justice (DOJ) na bawal ang protest rallies ngayong mayroong public health crisis dahil sa COVID-19 pandemic.
Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, pansamantalang ipinagbabawal ang mga rally dahil ito ay isang uri ng mass gathering at layon ng pagbabawal na maiwasan ang pagkalat ng virus
Aniya, ang mga lalabag ay maaaring maparusahan sa ilalim ng mga umiiral na mga batas sa public health at hindi sa ilalim ng criminal laws.
Tama ang pahayag ni Interior Secretary Eduardo Año na mayroong mas ligtas na mga paraan para maiparating at mailabas ang mga protesta at batikos sa panahon ng COVID crisis.
Una nang inihayag ng National Union of People’s Lawyer (NUPL) na walang batas na nagbabawal sa pagsasagawa ng mga kilos protesta kahit may pandemya.