Manila, Philippines – Ipinag-utos na ng Department of Justice (DOJ) ang pagpapalaya kay John Paul Solano, isa sa mga suspek sa pagkamatay ni hazing victim na si Horacio Castillo III.
Gayunman, nilinaw ni OIC Prosecutor General Jorge Catalan Jr. na hindi ito nangangahulugan na lusot na sa mga kasong isinampa laban sa kanya si Solano.
Partikular sa mga kasong murder, perjury, obstruction of Justice at paglabag sa anti hazing law.
Itinakda naman ng DOJ panel of prosecutors ang preliminary investigation sa October 4 at 9 dakong alas dos ng hapon.
Pinadalhan na rin ng subpoena ng DOJ ang iba pang mga respondents sa kaso.
Facebook Comments