DOJ, nagpalabas ng HDO vs Quiboloy

Nagpalabas na rin ang Department of Justice ng preliminary hold departure order (HDO) laban kay Pastor Apollo Quiboloy.

Ayon kay Justice Sec. Crispin Remulla, layon nito na hindi makalabas ng bansa si Quiboloy at iba pang mga kasamahan nito sa Kingdom of Jesus Christ (KOJC).

Bukod kay Quiboloy, pinakakasuhan din ng DOJ ang iba pang mga kasamahan nito sa KOJC.


Una nang inatasan ni Remulla ang DOJ prosecutors na sampahan ang evangelist leader ng qualified trafficking at child abuse.

Iginiit ni Remulla na base sa reevaluation, nakitaan ng probable cause ang reklamo laban kay Quiboloy at sa kanyang kapwa-respondents para sa kasong sexual abuse of a minor, qualified human trafficking at acts of child abuse.

Facebook Comments