DOJ, nagpaliwanag sa nakatakdang paghahain nila ng karagdagang ebidensiya vs De Lima

Ipinaliwanag ni Justice Sec. Jesus Crispin Remulla ang planong pagsusumite ng prosekusyon ng karagdagang mga ebidensya sa drug cases ni dating Senador Leila de Lima.

Ayon kay Remulla, ang mga nauna nilang pahayag pabor sa bail petition ni De Lima ay naka-base sa humanitarian grounds at hindi sa merito ng kaso.

Ginawa aniya nila ang pahayag na ito matapos paboran ng Korte Suprema ang habeas corpus petition ng dating chief of staff ni dating Senate President Juan Ponce Enrile na si Atty. Gigi Reyes.


Sinabi rin ni Remulla na ang muling pagbubukas ng kaso laban kay De Lima ay tugon ng DOJ sa plano ng mga abogado ng dating senadora na maghain ng bail petition sa korte dahil umano sa kawalan ng sapat na ebidensiya.

Una nang sinabi ng abogado ni De Lima na si Atty. Bonifacio Tacardon na nagkasundo na ang kampo ng prosekusyon at depensa na “submitted for decision” na ang kaso.

Facebook Comments