DOJ, nagsagawa na ng fact-finding investigation tungkol sa DAP

Manila, Philippines – Nagsagawa na ang Department of Justice (DOJ) ng fact-finding investigation tungkol sa Disbursement Acceleration Program (DAP), na siyang idineklarang unconstitutional ng Korte Suprema.

Ayon kay DOJ Secretary Menardo Guevarra, inatasan na niya ang National Bureau of Investigation (NBI) na simulan ang imbestigasyon para malaman ang criminal liabilities ng mga dating opisyal kabilang sina dating Pangulong Noynoy Aquino at dating Budget Secretary Butch Abad.

Ginawa ng DOJ ang pahayag matapos ibasura ng Ombudsman ang technical malversation charges laban kina Aquino at Abad.


Nabatid na sinimulan ng DOJ sa ilalim ng pamumuno ni dating Secretary Vitaliano Aguirre ang imbestigasyon sa DAP noong Setyembre ng nakaraang taon.

Facebook Comments