DOJ, nagtakda na ng petsa sa pagdinig sa kaso ng pagpatay kay Kian Loyd delos Santos

Manila, Philippines – Nagtakda na ang panel of prosecutors ng DOJ ng preliminary investigation sa kaso ng pagpatay kay Kian Delos Santos.

Ayon kay Justice Undersecretary Erickson Balmes, itinakda ang pagdinig sa September 12 at September 19.

Inaasahang dadalo sa mga pagdinig ang mga magulang ni Kian na sina Saldy at Lorenza, gayundin ang Public Attorney’s Office at mga kinatawan ng NBI na kapwa naghain ng hiwalay na kaso.


Inaasahan din ang pagdalo ng mga kinasuhang pulis ng Caloocan na sina Chief Inspector Amor Cerillo, PO3 Arnel Oares, PO1 Jerwin Cruz at PO1 Jeremias Pereda.

Facebook Comments